Mood swings, weight problems

Sobrang wala ako sa mood lately talaga. Wala sa mood magbasa, magsulat, mag-isip sobra. Ang tanging pinagkakaabalahan ko lang talaga ay manood ng Prison Break (and drool over Wentworth Miller!) with my siblings every night. Yan lang. Of course I need to do some sponsored posts kaya naman tignan nyo, 1 week akong walang post na maayos. Puro sponsored lang.

Yesterday, fiesta sa amin. Instead na makisaya, natulog ako half the time. Paano ba naman, bukod sa puyat ako, sama pa ng pakiramdam ko. Maayos na ako ngayon. Pero yesterday, wala, bagsak talaga.

And the reason for all these annoying mood swings… being overweight! I think my weight is affecting my moods na. Nakakahiya mang aminin, I gained back the weight I lost almost a year ago 🙁 Syempre kasalanan ko talaga. I eat when I get stressed out. Before July 2007, sobrang stressed out ako lagi. Daming issues sa buhay ko, both sa work at sa personal, kaya imagine nyo na lang how often and how much I ate that time. Hay… naiisip ko lang nakakalungkot na hehehe…

Ang mahirap kasi sa akin, I take refuge in the high that food brings. Kapag may problema, ganyan ako. But when I’m happy naman, even if I don’t eat that much okay lang. Kaya naman ngayon, eto, I’m suffering from my lack of discipline where food is concerned. Bad talaga 🙁 I am not sure naman if I can go on a diet na tulad ng dati na puro dahon lang. But I will try to eat less na. Napapagalitan na ako ng mga sisters ko hehe

So iyon lang naman. Kaya naman I am the queen of katamaran for the past couple of weeks now. Pabugsu-bugso ang kasipagan ko.

I need to go on a diet na! I need to lose weight! Somebody help me! Hehehe…

Thank you to everyone who keep on visiting.
Saka dun sa mga nagbigay sa akin ng gifts… Ipo-post ko separately, girls 🙂
And pasensya na talaga wala kayong makitang matino dito sa ngayon. It will all change pretty soon 🙂

Have a great week ahead everyone!

16 comments

  • Hi Sha! Hug na lang kita kasi pareho tayo ng problema.
    (samahan na rin kitang mag drool over wenty sexy he he)

    have a good week ahead!

  • While I think Wentworth Miller is incredibly hot, that isn’t enough reason for me to subject myself to watching that show Prison Break. LOL. I mean it was an interesting idea at first.. and I watched a few episodes, but it’s long since played out in my opinion. Again, he is hot, though@!

    Your mood swings may very well be partially related to your weight.. but have you considered maybe getting your seratonin levels checked? A deficiency could result in “bipolar-like” mood swings.

    😛

  • Never fear, tatay is here. We have the same problem. Try yoga or steps. Mabilis makabawas yan ng weight. Don’t despair, maganda pa din naman baby ko.

  • malaya

    ako naman sa work na tinatamad, mare at ang problema ko, hirap akong mag-gain ng weight. haaay.
    dami na nakakapansin na nag-deteriorate health ko, huh. alarming.
    good luck sa atin. good night!

  • rHo

    naku sis, pareho tayo… nalulungkot din ako pag hindi ko na gusto ang timbang ko kaya naman diet ang drama! minsan, kunya-kunyariang diet… minsan naman seryoso! hahahaha! wag kang mag-alala, kayang-kaya mo yan! kung nakaya mo nga last year, e di lalo na this year db? konting disiplina lang sa foods na kinakain!

    hintay ko pa rin yung e-mail mo… nyahahaha! missshuuu sister! ingatz ka lagi! mwuaaahuggzzz! labyu!

  • oo nga yoga tayo sis …sobrang gustong gusto kong magyoga noon pa kaya lang mahal heheheh wala ako pambayad :)..okey lang yan wag ka na lang titingin sa pagkain 🙂 ..sabi ni niceheart tubig lang daw ng tubig saka…..maganda talaga prison break lol!

  • katamaran? ang sipag mo nga gumawa ng sponsored posts eh! 🙂 Aw, ako din, bumabalik na naman ang flabs.. after i worked so hard to trim down. haay! gudlak saten! 😀

  • same here … feeling ko overweight na rin ako … sobra. hirap magstop pag masarap yung food, diba? sana kita tayo minsan, sis, at foodtrip tayo! 😀
    ooppss. maling advice ata … ;P

    ingat palagi, sis!

  • pam

    for you. 🙂

    http://i96.photobucket.com/albums/l161/pmmg1122/sinedotsexample.jpg

    omg. parehas tayo ng problem ate. hehe. ang sarap kasi kumain, lalo na yung bawal. hmf. reduce! reduce!!!

  • ay kaya naman pala heheheh=- tinatamad ang kapatid kong maganda…ey di ba may kasabihan tayu na pag may tiyaga may nilaga?… tiyaga ka lang mag jog araw araw– tiya after 1 month ay slim as ever ka na sis—wag mawawalan ng pag asa—
    op kors andito lang kuya mo na nagdarasal para sau..keep going.life is beautiful…. maganda ang umaga, maganda ang ihip ng hangin, maganda ang ulan, ang baha, ang trappik, ang mga tao sa malls, ang mga flyovers etc etc etc…maganda ang buhay sa mundong ibabaw….kaya wag tatamarin hehehehehe…

  • Hay naku you can do it…bilib ako sa’yo at super sis kita eh 🙂 Miss you sasha…I wish you well…take care always. *HUGS*

  • like you ate sasha, ako din ay currently having problems with my weight.. i need to go on a diet na rin.. tama nga sila hindi daw healthy ang sobrang taba kaya kailangan ko na rin mag lose ng pounds.. pinapagalitan na rin ako samin eh.. hehehe..

  • err…kaya pala, inabot na naman ng katam ang sis. Naku nag-gain weight ka? kapag andiyan si kuya vince aasarin ka na naman niyon. Umpisahan mo na…para may paglalagyan na naman ng pagkain haha, ‘lapit na dec. girl talk and food trip! 😀
    Simulang dumating ako dito nawala na sa system ko ang prison break 🙁 ‘ala kasing mapanood kundi balita hehe…

  • ann

    Kung serious ka talaga mag diet kaya mo, pwede kita tulungan.

  • huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. ako rin nadepress, we share the same dilemma. i gained back the 25 lbs. i lost in 1 year. after all my hard work doing step aero 6x a week at home. pero if we were able to do it then…. kaya pa rin natin uli i lose yun 🙂

  • di bale ng mataba basta healthy sis…

    iwasan lang ang kumain ng marami pag gabi lalo na late at night.