My Bebe…

Posted on January 30, 2007 
Filed Under family

Touched ako sa post ni Cess about his little boy whom she thinks is about to cross the threshold between being a kid and being a binatilyo…

Para akong naluluhang hindi…

Ganyan din kasi si bunso namin, ang bebe ko…

I’m only 28 years old. Never been married, never had a kid. Been kissed, done that. Nyahahaha… okay ibang kwento na yan… What I’m about to say is, feeling ko kasi may anak na rin ako. Some of you already know about my brother, James, yung bunso namin. 15 years old sya ngayon. Unwanted baby. Pahabol ba. When my mom gave birth to him, she suffered from post partum chuva. Sorry didn’t know the right term

So I became the surrogate mom. Second year high, I’m always in a hurry to go home kasi hintay na ako ng alaga ko. When there were practices, group projects, homeworks, chikahans… dun lagi sa bahay para pwede kong kargahin si James. Kaya naman lahat ng classmates and friends ko, kilala si James. Yung mga barkada kong lalaki, salitan lagi ng pagkarga sa kanya.

Kapag iyak siya, hanap niya si ATE. Ingit sa gabi or basa na diaper niya, ako hanapin. Tapos imbes na kay mommy kumarga, sa akin na. Kaya naman si mommy, alalay lang lagi sa akin. Paligo ako rin. Paghele para makatulog, ako rin… Kulang na lang talaga ako ang nagluwal hehehe

10 years old na siya, nakakunyapit pa lagi sa kamay ko yan. Nung maalis sa crib, sa tabi ko na natutulog lagi. Hindi makatulog sa gabi hanggang wala ako. Hanggang nung mag-12 siya. Pagtuntong ng highschool, nagbago na ang lahat.

Syempre, komo “binata” na raw siya, ayaw ng matulog sa tabi ko. Pero sa umaga kapag nagigising ako andun sa paanan ko hehehe… ayaw ng patawag ng “bebe”… ayaw ng pahawak ng kamay kapag nasa public at baka makita ng mga kakilala… daming ayaw na kasi nga raw malaki na siya :(
Nakakalungkot kasi ang beybi ko nag-iiba na.

Nung nakaraan, naglambing kasi nagpapasamang bumili ng shoes niya. So punta kami ng mall. Susme! Tumaba ang puso ko at parang binata na talaga si bunso. Nung may makasalubong kaming grupo ng tao, feeling niya maiiba ako ng daan, hawak ako sa magkabilang balikat at gina-guide ako sa daan. Alam niyo yun. Parang siya pa ang mas matanda ngayon.

Hay… yun lang naman. Naalala ko kasi yung feeling ko nung unang bili ko ng gel kay bebe. Yung unang bili ng Fubu na t-shirt. Unang request ng CD.

Feeling ko rin dati nagbibinata na ang anak ko…

Feeling nanay rin ako :)

Comments

RSS feed | Trackback URI

23 Comments »

Comment by ann
2007-01-30 18:03:51

First ba ako?

 
Comment by ann
2007-01-30 18:05:46

Hahahaha! First nga! Natatawa ako sa ganito, tsek muna bago mag comment.

Ganyan din kami dati sa bunso namin kasi late na rin yun lumabas, kaya nung makabuntis at the age of 19 parang di kami lahat makapaniwala. tingin kasi namin baby pa sya ng pamilya.

 
Comment by Wendy
2007-01-30 18:08:55

‘Di ako nabigyan ng chance na alagaan ang yonger sis ko at bro… 3 years old pa lang kasi ako ng ipanganak ang bunso namin. *wink*

But… na-miss ko si Rock-Rock, pamangkin ko sa pinsan. Parang medyo ikaw, ako lagi kasama niya noon… tawag niya sa akin “Wendy Ko” (o ‘di ba, exclusive lang sa kanya.). Two years old siya nang mag-start akong magtrabaho rito sa city, meaning, ‘di ko na siya nakakasama nang madalas, pero kapag umuuwi naman ako, ay sus gurl… ayaw ng bumitaw sa akin. I remember pa, may umakyat ng ligaw sa bahay… hahaha, galit na galit siya, palayasin daw namin ‘yung guy. Hahaha

Ewan ko lang pag umabot na siya sa edad na sinasabi mo na 12, ewan ko kung kakapit pa siya sa akin.

Happy Tuesday gurl!

 
Comment by nona
2007-01-30 19:16:01

can relate very well, my very own ken…waaa! me Gf na at the age of 12???? opo 12….oh uhhh…

how time flies ano sis?….iksi lang comment ko :)

 
Comment by Tikey
2007-01-30 20:42:48

Ang dadaya ng mga pers 0nor na ito bakit may check check pa! nyahahha

Aba sis, hindi lang ang bebe mo ang nag bibinata,,, nag dadalaga ka narin kaya go go go.. and hunting some papa who will treat u as baby,, dali dali!!

 
Comment by Raquel
2007-01-30 21:37:01

Hi Sasha,

Hehehe, ganun, ang bata mo palang may baby na, hehehe.

Sarap din ng feeling if someone needed us. Ang gawin lang natin set them free. Ako nga 8 years old pa lang nagka crush na, hehehe.

Maiba tayo, san na ba ang 20 years ago mo?

 
Comment by rHo
2007-01-31 00:13:08

aba… sosyal ka, meron kang instang bodyguard!! yung bunso namin ganyan din… malapit sa akin… sweet sa akin, un pala may ipapabili! nyahaha!!

 
Comment by ghee
2007-01-31 08:58:01

kakatuwa ka nman,mas malaki pa sa yo si Bebe mo,hehe..

pero,parang nakikinikinita(hirap itype nun ah,haha!) ko na napakabait mong ate,si bebe mo,ipagtatanggol ka nyan balang araw,if ever kailangan ka nyang protektahan,so yung mga pagod mo sa kanya ay hindi masasayang :)
ganon pala ang feeling nilang lahat nung nagdalaga ako?bunso kasi ako eh..nung mag 22 ako,sabi ko wag nyo n ko tawagin ng bunsoy,hiya na ako,haha!

yung Diko ko,isang beses sumundo sa school kasi gabi na natapos ang practice namin sa cultural dance,nakaakbay pa sa akin,nakita kami nung gf nya,hinamon sha ng brak,nag selos kasi akala gf ako ni Diko,hahaha!!

teka,irrelative yata…*kamot*

 
Comment by te rems
2007-01-31 09:43:25

waaaahhh! parang bigla kong na miss ang angels ko. naisip ko rin bigla na isang araw pag gising ko’y tulad na rin sila ng bebe mo, ayaw ng palambing ke nanay, ayaw ng pa kiss sa public, ayaw ng yumakap…parang di ko mati take iyon!

waaaahhh!

 
Comment by cess
2007-01-31 09:52:30

my gosh, tumataas balahibo ko habang binabasa ko ito - hindi dahil horror ang sinulat mo (although in a way horror nga, hahaha) kundi dahil i feel for you sister! natatakot na talaga ako tuloy! hindi ko kakayanin! maiiyak na talaga ako! tubeg! tubeeeg!

 
Comment by tina
2007-01-31 10:37:27

hi mommy sash! Haha. The greatest thing about being a woman is to be a mom.. or feel and do what a mom does. :)
You’ve done so great “raising up” your lil bro.. and is attached to you more than ever.. and having a special bond..

 
Comment by tekla
2007-01-31 11:00:57

hay…kung pwede nga lang wag ng lumaki ang mga batang inaruga ntin at forever na sa atin.

yung bunso din nmin, khit may asawa na utoy pa rin ang tawag namin.

since ktulad mo rin akong single, mga pamangkin na lang muna ang aking mga baby.

***ano kaya kinamot ni ate ghee habang nagttype cya ng comment dito nyahaha

 
Comment by carlota
2007-01-31 11:40:15

sa wakas naka labas din ako sa longga. hehehe. salamat din na pinatuloy pa ako dito.

awwwww i feel you with this Sash ganyan si Julie ko. pag mag malling kami she makes sure hindi naka ka embarass ang mukha ko. pag ‘la akong make up ‘yon hindi sasama sa akin. hahaha.

 
Comment by ghee
2007-01-31 13:20:57

waaaahhh,ang kukulit ng mga commentors dito lalo na si Greys,hahahahah!

ano raw ba ang kinamot ko?hahahaahaha!
sakit ng tyan ko dun ah!

makati ang…..ilong ko,may hay fever na yata ako,hahahaha!

 
Comment by mmy-lei
2007-01-31 13:30:18

wow ang bait na ate! Di ako maka-relate kasi pangalawa ako sa bunso at 3 taon lang pagitan namin.

Saka yoko ring bini-beybi, jumbagin ko pa yung taong yun! nyahahaha!

*** hmmm, ano nga kaya kinakamot ni ate, teka mabalik nga sa bahay nun ***

 
Comment by manilenya
2007-01-31 13:39:27

ang sweet naman ni bebe :) uy kami tatlong magkakapatid na babae naalala ko dati yung nanay ko nanghihiram pa ng mga apo o pamangking lalaki noon para alagaan namin, natutuwa naman sila kasi nagiging spoiled talaga sila sa bahay kaya lang kinukuha ng mga magulang tapos nung malalaki na saka samin binabalik pwede ba naman yun? syempre gusto namin baby pa hindi baby bakulaw ano :)

 
Comment by Aisha
2007-01-31 18:58:45

haha it’s so nice to be a MOM so kung gnyan ang feeling mo
edi ang sarap pla ng pakiramdam mo noh? hehe

 
Comment by Laasya
2007-01-31 22:54:40

awww. di pa ako marunong magpalit ng diaper. dalawa lang kaming magkapatid eh tapos magkasunuran pa. hehehe.

edi, nagbbreak na ang voice ng bebe mo?

awwww.

 
Comment by manilenya
2007-02-01 03:21:27

uy oo hehehe heto ako alas dos ng madaling araw nagbabasa ng blog mo puyat na naman waaaahhh!!

 
Comment by juana
2007-02-01 19:55:25

ako rin ako taga alaga sa mga kapatid ko nung baby pa sila. alam ko yang feeling na yan.

 
Comment by Gayle
2007-02-02 01:01:32

naks! pde na tlgang magnanay. :grin:

 
Comment by JAMIE
2007-02-02 08:58:53

my youngest sister is 10 years younger than i am… so i guess were on the same boat. saddest part is when they do grow up.. it only means one thing… we’re geting old. how i wish i cud make time standstill… but then again, that would make the journey uninteresting… hehe

 
Trackback by lil gurl
2007-04-08 10:05:33

lil gurl…

I Googled for something completely different, but found your page…and have to say thanks. nice read….

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong> in your comment.