happy weekend
weekend na!
hayaan niyong i entertain ko kayo bago mag mahal na araw. so let the party begin!
wag kalimutan bumisita sa simbahan sa linggo para sa palm sunday…
weekend na!
hayaan niyong i entertain ko kayo bago mag mahal na araw. so let the party begin!
wag kalimutan bumisita sa simbahan sa linggo para sa palm sunday…
para kay mamita: ang brutal na kitchen knife block set 90 US-Dollar
para kay jr: banana lunch box
para kay mister: electric toilet sit
small greenhouse for your kitchen vegetables, herbs & plants no soil needed
para kay dalaginding: digital photoframe can store & display 50 pictures as a slideshow 250 US Dollar
para kay papito: Wellness armchair for purely relaxation with heatable massage pillows and iPod
para sa buong pamilya: Fitness balance measures body fat, body water, muscle mass, bone mass and many more.
vacuum cleaner para kay Bantay 60 US dollar.
hello
naki sapi na rin hehehe…
gusto kong ipamahangi ang natanggap kong forwarded na email sa akin nung april fool’s day. siguro nabasa nyo na rin ito o di kaya na i forward na din sa inyo.
Maalala mo kaya? Heto and Kapayapaan na alam natin, noong wala pa ang tinatawag na Kaunlaran!
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi natin galing sa eskuwela; Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang; 10 setimos lang ang ating baon: singko sa umaga at singko sa hapon; Merong free ang mga patpat ng ice-drop; buko man o munggo.Mataas ang paggalang natin sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a.Di binibili ang tubig, puwedeng maki-inom sa kahit di mo kilala.Malaking bagay na ang pumunta sa ilog o sa tumana para magpik-nik.Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa pincipal’s office o kaya ay malaking kahihiyan kapag bumagsak sa eksamen.Simple lang ang pangarap natin: makatapos, makapag-asawa at mapagtapos ang mga anak.Pwedeng iwan ang mga sasakyan at ibilin maging sa di kakilala; kasi wala namang lock ang mga jeep na Willy’s noon.Mayroon tayong mga laruan na gawa natin at hindi binibili: trak-trakan, trumpo, teleponong lata, sumpak, espada at mga iba pa.Di nakiki-alam ang mga matatanda sa mga laro ng bata, kasi laro nga iyon ng mga bata.Maraming usong laro at maraming kasali: lastiko, gagamba, trumpo, tatsing, holen, tumbang preso, ubigan (harang taga).May dagta ang duto ng tinting na hawak mo para makahuli ka ng tutubi; nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo.Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas, pero suot mo pa rin.Namugalgal na ang pundiya ng korto mo dahil nakasalampak ka sa lupa kung umupo.Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology…di ba minsan nangarap ka rin… mas masaya nuong araw, di ba? Sana puwedeng ibalik!Takot tayo ngayon sa buhy kasi maraming napapatay, nakikidnap at maraming mga addict sa druga at masasamang loob!Nuon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga Lolo ang Lola. Pero ngayong malaki ng tayo ag magulang na rin, alam na natin na mahal pala nila tayo kaya’t ayaw tayong mapahamak o mapariwara. Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo!Balik muli tayo sa nakaraan, iyong bago magkaroon ng computer, internet at cellphone!Noon, wala pang mga druga at mall, pero masaya tayong lahat!Nuon, masaya tayong naglalaro sa liwanag ng buwan: harang taga, habulan at taguan!Ang pagtatakip mo ng mga mata pero nakasilip sa pagitan ng mga dailiro pag nanood ka ng nakakatakot sa “Mga Aninong Gumagalaw”Unahan tayong sumagot sa multiplication table na kabisado natin, kasi walang calculator noon!Pag-akyat natin sa mga puno ng mangga, bayabas, siniguelas at sampalok.Pagtikwas or pagtitimba sa poso; pingga ang pang-iiigib ng tubig ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae.Nginig na tayo pay inilabas ni Tatay ang kanyang yantok ng Mindoro o mahabang pamalo o sinturon.Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa puwit para hindi masakit pag pinalo ni Tatay?Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman o kaya lutu-lutuan at bahay-bahayan na puro kahon.Naglako ka ba ng ice-candy or pandesal nuong araw?Karera sa takbuhan hanggang maubos and hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan o na-alaala mo pa ba ang habulan natin habang naliligo sa ulan?Mapagod sa kakalaro, minsa mapalo dahil uuwi ng napakadumi ang damit.Matakot sa “multo”, “nuno sa punso” o kaya sa “kapre”.Tuwang-tuwa tayo pag natalo ang tinale ni Tatay dahil siguradong ang ulam natin ay tinolang manok.O, iyong crush mo? Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng kabayo o biscocho? Puwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing na nasa apa) o kaya nougat o karamel.Kung gusto mo naman, pakumbo or kaya katiba, mas masarap kung inuyat!Puriko ang mantika at mauling ang ang muha mo at ubos na ang hininga sa ka-iihip kasi mahirap magpalingas ng apoy! Kaldero ang gamit sa pagsa-saing na sinusukat pa sa mga daliri ang dami ng tubig; palayok naman ang gamit sa pagluluto ng ulam.Masarap ang kamatis na piniga ng kamay para gawing sawsawan sa inihaw o pritong isda! Ang palutong kapag isinawsaw sa sukang may babad na siling labuyo. Ah, ang duhat kapag inalog sa asin. At isa isang isusubo ang daliri kasi puno na ng kanin. At ang tutong, o, anong sarap kainin, malutong kahit matigas!Pagkatapos kumain, halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog; o anong sarap!Sakang ang lakad mo at nakasaya, kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan!Lipstick mo ay papel de hapon; pomada mo ang tig-sisingko sa tindahan!Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas sa almirol ang mga punda at kumot; at heto, madumi ang manggas ng t-shirt mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan. At pag marumi ang t-shirt mo, babaliktarin mo, eh di, malinis na naman, pero amoy kabayo ka dahil maghapon kang nakabilad sa paglalaro. Na-alaala mo pa si Lola mo na pag nahuli ka ay wala kang kawala dahil hihingutuhan ka ng mga ilang oras, di ka na mapapaglalaro!May mga programa sa eskuwelahan tuwing Lunes at may pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis kg ng desk mo. Di ba masaya? Naalaala mo pa ba?Wala ng sasaya at gaganda pa sa panahon na iyon… Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon, habang ina-alaala iyon. Di ba noon… Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na “sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?” Pag ayaw ang resulta di ulitin: “sino ba sa dalawang ito” Ito ba o ito?” … Awit muna, Penpen de Sarapen, de kutsilyo, de almasen, How how the carabao batuten! Presidenta ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinakamayaman; Mayawa na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kakaunti; Nauubos and oras natin sa pagkukuwentuhan, may oras tayo sa isa’t-isa; Naasar ka pag marami kang sunog sa larong sungka; kapag taya ka sa pitik-bulag o matagal ka ng atsoy sa larong holen.Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo!Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong mamon at sarsaprilya sa tabi. Kung naaalaala mong ang lahat ng ito… nabuhay ka sa Kapayapaan! Pustahan tayo o, nakangiti ka pa rin! Belat! Talo ka!