yan ang sigaw ng choir matapos nilang umawit, ang natatandaan ko lang ang lyrics na ito
pasko na! pasko na! hindi pa Valentine
pasko na! pasko na! natapos na ang undas
pasko na! pasko na! malapit na ang new year
pasko na! pasko na! may paksiw pa!
kahit na malayo sa tinubuang lupa, nagdaraos pa rin ng christmas party ang filipino community dito sa aming lugar. di ako miyembro ngunit akoy pinagbentahan ng ticket upang dumalo. di na sana ako dadalo nahiya lang ako sa ninang ko kaya bumili ako ng entrance ticket at pa raffle. at nagbaka sakaling maiuwi ang 1st prize na plane ticket pauwi ng pinas back & fort. o ang 2nd prize na trip to paris for 2. taon- taon umaatend kami ngunit sa taong ito plano ko di na sana . kasi di ko na gusto ang mga ugali ng mga taong miyembro duon. alam niyo na kahit saang lupalop ng mundo daladala pa rin ang mga di kanaisnais na ugaling pinoy. nagsimula ang programa sa pagawit ng lupang hinirang. ewan ko ba kinilabutan ako at nagilid ang aking luha dun matagal tagal na kasing di ko ito narinig at nakanta. may mga ilang ipinalabas din mula pag awit at pagsayaw ng mga kabataan hanggang sa choir ng matatanda. ito lang ang aking nakunan pasensya na at di gaanong magaganda pagkakuha…
ang pinakagusto ko siyempre kainan at sayawan kasi ngayon live ang musik. wala akong pictures na nakuhanan kasi kumain at sumayaw inatupag ko hehehe… sinulit ko lang naman ang binayad ko kahit na wala akong swerte ngayon sa pa raffle.


nona said
December 13 2006 @ 12:34 pm
ang cute naman ng mga kids…buti marunong silang magtagalog.
Hataw ka pala sa kain at sayaw huh…sayang ang pagsasayaw mo ang gusto kong makita
ralphT said
December 13 2006 @ 2:07 pm
haha =P
kisses said
December 13 2006 @ 8:51 pm
heheheh, Pinoy eh … akala ko ginawa mo na akong paksiw dito
dito nga lang sa blog lumalabas na iyon, jan pa kaya sa mga ganyang okasyon?!
pero kyut ng mga bata
kisses said
December 13 2006 @ 8:52 pm
bah, beta-blogger ang gusto niya … ayaw tanggapin kung blogger account lang, buti napalitan ko na itong isang bahay ko!
maiylah said
December 14 2006 @ 8:03 am
ang cute naman!!!
iskoo said
December 14 2006 @ 8:13 am
astig sa prize… plane ticket!!! sayang di ka nanalo pero good thing nag enjoy ka at nasulit naman binayad mo
Juana said
December 14 2006 @ 8:31 am
oo marunong sila both parents ay pinoy. di mo rin lang makita madilim kasi hehehe…
Juana said
December 14 2006 @ 8:33 am
ralphT, si santa na ba yan? dapat hoho…
Juana said
December 14 2006 @ 8:35 am
kisses, di ko yun maatim mamang. haha..
minsan nga may topak din yang beta na yan.
Juana said
December 14 2006 @ 8:37 am
maiylah, oo galing nga nila mga musikero ang mga parents nyan.
Juana said
December 14 2006 @ 8:39 am
iskoo, oo bigatin nga. kung ako sana nakakuha fly agad na ako ng pinas.
*lil_kath* said
December 14 2006 @ 1:00 pm
… cute naman ng mag kids awww…at ano na naman nilantakan mo dun sis? di mo nakunan ng pics.? hehe… ayaw mo mag-shareha?^_^ for sure wala yung paksiw sa title ng post mo di ba?
hayyyy pasko na!
hugss**
sasha said
December 15 2006 @ 2:38 am
Yey! Yey! Yey!
Mare, nakikita mo ba kung paano ako tumalon?? Hahaha! Natuwa ako at naka-comment na! Yipee!
^_^
Sayang naman at di mo naiuwi ang first prize! Di sana kasama ka sa ililibre ni titser Teks ng puto bumbong hehehe…
Mabuti na nga lang at bumawi ka sa kainan at sayawan… pero tama si Nona, sayang alang video ng pagsasayaw mo ano? hehe
Advance Merry Christmas, sister!!! Mwuaah!
wendy said
December 15 2006 @ 10:07 am
Ayaw ng video dito sa akin… ‘di ko siya mapanood… sigh
Tsk… sayang ‘yung first prize… anyway… anyway… oks lang ‘yan *wink*
Merry Christmas Juana… *mwah*
Juana said
December 15 2006 @ 1:26 pm
kathy, nawala na sa isip ko piktyuran sarap na sarap kasi kain ko sa mga fil.foodslechon,puto,kutsinta,
dinuguan at dami pang iba.
Juana said
December 15 2006 @ 1:27 pm
sashing, ay sa wakas naka pasok ka rin. anong ginawa mo ba? di rin lang makikita kasi madilim.
Juana said
December 15 2006 @ 1:30 pm
wendy, oks lang di nga pinoy nanalo pero ok lang may isa na namang turista makakatulong sa turismo ng pinas.
Ann said
December 15 2006 @ 10:44 pm
Dapat talaga nakaka attend din ng mga ganyang okasyon para kahit temporary lang eh nakakalimutan na nasa malayong lugar pala tayo.
malaya said
December 16 2006 @ 6:51 am
hindi rin ako suwerte sa mga pa-raffle e. pero ginagawa ko ring suwerte sa pagkain ang tummy ko hehehe.
sasha said
December 16 2006 @ 3:18 pm
Juana girl, mukhang labs ako ngaun ng comment box mo. Yung taggie mo naman ang ayaw sa akin ngaun! Hahaha
Tyempuhan yata dapat dito
Happy weekend!